Kung sakali mang bumalik ka
Hindi mo na ulit makikita
Ang mga ngiting sa akin ay kumurba
Simula ng kita’y aking makilala
Hindi ko na hahayaang magkrus ang landas nating dalawa
Hahakbang na ako palayo mula sa piling mo sinta
Kakalimutan na talaga kita
At ito na ang huling beses na papatak ang aking mga luha
Kung sakali mang bumalik ka
Gusto ko lamang ipaalala
Kung paano nawalan ng tinta ang aking pluma
Pinilas isa-isa ang mga sulat kamay na tulang ikaw ang nagsilbing bida
Hindi ang pagkakaibigang binuo natin ang iyong pinatay
Kundi ang dugo ng isang makatang sa akin ay nanalaytay
Hindi sasapat ang salitang pagtangis
Upang mapunan ang iyong pag-alis
Wala ng pag-asang bumalik pa tayo sa dati
Sapagkat hindi ako ang may sala sa bawat pangyayari
Isa kang huwad at mapagkunwari
Hindi ko alam kung ikaw ba’y nagsisisi simula ng umalis ka sa aking tabi
Pero base naman sa aking mga nakita
Tila masaya ka naman sa piling niya
Nakapagtataka lang sapagkat nagagawa mong tumawa
Kahit na nasa paligid niyo lang akong dalawa
Ilang beses ko na nga ba kayong nakakasabay sa may kalsada
Ultimo sa loob ng eskwelahan ay natutunghayan ko ang inyong ginagawa
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ni tadhana
Upang saktan mo ko ng hindi mo nakikita
Kung sakali mang bumalik ka
Isa lang naman ang pakiusap ko sa’yo
Huwag mo ng susubukan sapagkat wala ka rin namang mapapala
Sapat na ang iyong pag-iwan para magising ako
Na hindi sa lahat ng pagkakataon
Ay pipiliin tayo ng taong pinili natin
Hindi ko rin ugaling bumalik sa babaeng nanakit sa akin
Mas nanaisin ko pang magpatuloy mag-isa kaysa ika’y aking hanapin
Kaya kung sakali mang bumalik ka
At matunghayan ulit kita sa pook kung saan kita unang nakita Mapapabitaw na lang ako ng mga katagang “Bakit naligaw ka?”
Tanga limot na kita.
